HEART-LINK

Heart Speaks, Emotions, Feelings, Inspiration, Motivation in Life.

Google
 

Pagbibigay ng Pagmamahal sa Bawat Sandali

Wednesday, June 20, 2007
Pagbabahagi..Sa ating buhay, madalas dumadaan ang mga sandali na di natin napapag buhusan ng sandali na ipadama sa ating mga mahal sa buhay ang pagiging malapit natin sa isat isa pati na rin ang pagsasabi ng mga salita ng pagmamahal..lalo na ito kung di tayo nagkaroon ng pagkakataon na magkasama ng matagal dahil may kanya kanya na tayong buhay na ginagalawan, may nabasa ako noon na nakakadala ang esensya, bakit daw saka natin ginagawa at sinasabi ang mga salita at gawa ng pagmamahal sa panahon na di na ito nararamdaman at naririnig ng ating mga mahal sa buhay..Alalaon baga..hehe sensya na batagueno eh.. dapat nating samantalahin ang bawat pagkakataon at sandali na nakakasama natin sila lalo na ang ating mga MAGULANG na sabihin at ipadama ang ating pagmamahal..habang sila at tayo ay malakas ..upang damhin ang pagmamahal na ito..iwaglit ang ano mang personal na dahilan na maaring nakakahadlang upang gawin ito. Binigyan nila tayo ng buhay at walang kondisyong pagmamahal mula ng tayo mamulat sa mundo..di naman siguro mahirap bigkasin ang mga salita na walang katumbas na halaga at kahulugan lalo na sa panahon na minsan lang natin makuha dahil sa ating kaabalahan sa personal nating buhay. Pasubali: ang pagbabahagi ay di pangkalahatan kundi sitwasyunal lamang

Surveys For Everyone