Ang aking buhay ay umiikot sa isang simpleng pananaw, un bang basta wala akong taong nalalamangan o nasasaktan, magaan ang loob ko na magpatuloy sa bawat araw na dumaraan, ika nga mahimbing ang tulog (he he he), pagkatapos nito e laging bukas ang kaisipan na humarap sa panibagong hamon ng buhay sa pagkagising sa araw ng bukas..naks! Mababaw din lang ang aking kaligayahan, sus ..eto kasi ang aking nakasanayan, simpleng buhay, simpleng saya kasama ang mga simpleng kaibigan, ano ba to puro ako si simple hahaha..pero ganon talaga ako eh, pwede akong nakasalampak lang sa tabi, nakikinig ng tawanan at masayang kwentuhan syempre naman pag may naisip na kalokohan..nakikigulo din..para wag masabihan na KJ ..un ang tawag noon eh..Kill Joy daw yata ibig sabihin. Para sa akin, ang buhay ay nasa atin na kung paano natin magagawang makulay at masaya, sabi nga depende sa tao. Nababasa ko ito sa mga karanasanan at libro ng karunungan..kaya nga lang di ako matiyaga eh..antukin baga..hehehe . Worry? sabi nga sa ingles..ano ba to sa tagalog…Pag aalala…tama ba?
Saan?.naku…madami yan..sa buhay..sa bukas..at kung anik anik pa..kasama ng pag aalala, ang takot..at yan daw ang napakasama ang dulot sa tao..nakakapagkasakit..Mahirap labanan kasi tao lang tayo, pero kung gagawin ay kaya.. wala namang imposible di ba?
Naku..mukhang mahirap ipaliwanag tong paglalahad ko, hahaha may malaki kasi itong kaugnayan sa babaing kinahulugan ng puso ko..malalim..parang bangin!! Mahabang istorya pero di nakakasawang balik balikan kahit pa ilang ulit, isa kasi itong pang bukas isip at pati na rin syempre sa puso..Sweetie!!! mahal na mahal kita..mwah!! Ganito kasi, tulad ng una kong paglalahad, dahil simple lang ang buhay ko, ito ay puno ng kalungkutan, lumilipas ang bawat ordinaryong araw na ang buhay ay isinasabuhay lang, sana makuha nyo…andoon ung kahungkagan, ang paghahanap ng saya..
ng kaugnay puso..(heartlink) , kung saan maibahagi ang sarili..ang pangarap ..ang saya ng buhay..at un nga..nakilala ko at dumating ang aking minamahal, puno ng saya..puno ng sigla..puno ng buhay..sa madali’t salita nagkaroon ng
maraming kulay ang buhay! and the rest is history ika nga hahaha..naging napakasaya ng aking buhay..lagi kong gustong hilahin ang oras para makasama sya..ayaw matulog ng gabi…kahit nga bampira na..hahaha..Ang aming ugnayan ay higit pa sa pambihira..bukas ang kalooban..bukas ang kaisipan..bukas ang puso..At doon umusbong ang labis na pagmamahal..Pagmamahal na ngayon ko lang naranasan sa buhay ko ..Ang totoo,napakaganda ng aming pagmamahalan..andoon ung respeto at tiwala na nabuo at pinatibay na ng panahon. Mahal na Mahal ko ang aking minamahal..dahil tinuruan nya ako kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal..at kung paano ang paraan ng pagmamahal..un bang di kailangan ng madaming salita manapay ang pagpadama nito sa isang kakaibang pamamaraan, ang pag iisip ng kabutihan para bawat isa, kahit na anong paraan na may bukas na kaisipan, malalim siguro sa nagbabasa pero kung pakakaisipin ay madamdamin at makahulugan. hayan ang dami ko na palang nasulat na salita at yon ay puro ang salitang “
Pagmamahal”..yon kasi ang aking nadama..at lagi naming pinadadama sa isa’t isa. Ang maganda..tumibay at umusbong ito sa aming puso sa pagdaraan ng panahon, Hay…Pagmamahal..puso lang talaga ang tunay na nakaka alam…Basta masaya ako sa buhay..dahil sa aking
…”Pinakamamahal”.. “Mahal na Mahal Kita..Sweetheart…