HEART-LINK

Heart Speaks, Emotions, Feelings, Inspiration, Motivation in Life.

Google
 

MMK

Tuesday, May 20, 2008


Sa aking isipan,
Laman ka bawa’t sandali
Sa aking puso,
Ikaw ang natatangi

Sa buhay na ito,
Kung ako ay pipili,
Manapa’y tiyak,
Ang Makapiling kang dagli

Sa yo natugpuan,
Katangiang may kahulugan,
Ang iyong ganda .
Ay di panlabas lamang

Isang karangalan,
Na kita’y minahal
Pagkat aking alam,
Ito’y minsan lamang sa buhay

Lilipas ang panahon,
Magbabago ang lahat,
Ngunit pag ibig ko
Sa iyo ko nais masadlak

Dahil sa aking puso
Ako’y nakatitiyak
Ang pagmamahal mo ay tunay at
Walang katulad

0 comments:

Post a Comment

Surveys For Everyone