HEART-LINK

Heart Speaks, Emotions, Feelings, Inspiration, Motivation in Life.

Google
 

Ang Sweetheart Ko

Thursday, November 29, 2007
Ang Sweetheart ko…naku..matalino..laging masaya at syempre maganda, walang buhay ang aking araw kung di ko sya makausap at makasama, ika nga di kumpleto o kulang, iba kasi ang pakiramdam sa tuwing SYA ay aking kasama, iba talaga, mahirap ipaliwanag, naku! kung alam nyo lang ang aking nadarama.
Ang Sweetie ko..ay kakaiba..meron syang katangian na namumukod sa pangkaraniwan,
ang kanyang kakayahan at kaalaman ay isang patunay ng kanyang malawak na karunungan at pang unawa..Sweetie ko!!! Wag tangos ang ilong ha..mahal na mahal kita…Kung sa pakikipag ugnayan, palitan ng kuro kuro at pananaw, sigurado mapapalaban kayo sa Sweetie ko, at lagi syang bukas ibahagi ang kanyang kaalaman para sa walang kapalit na pagbabahagi na karunungan.

Ang Sweeheart ko..hay naku..iba talaga, kaya naman sobra ko syang mahal!! eto laging laman ng aking isipan. Ang totoo, kung ako ay mabigyan ng pagkakataong magsimula muli sa buhay, SYA pa rin ang hahanapin ko…SYA pa rin ang mamahalin ko…kasi nga mahal na mahal ko ang Sweetie ko..

Ang Sweetheart ko..naku..biyaya SYA ng Panginoon sa akin, binigyan nya ng kulay ang aking buhay..binigyan ng kahulugan ito..tinuro nya sa akin ang tunay na paraan at pagbibigay ng pagmamahal, pagmamahal na di naghihintay ng kapalit, isang uri ng pagmamahal na laging naghahangad ng kabutihan ng bawat isa..O..di ba talagang kakaiba ang Sweetheart ko…

Ang Sweetheart ko..lagi SYA sa puso ko..bawat sandali ..bawat oras..hala..basta kahit anong mangyari..ang alam ng puso ko ay “Mahal na Mahal ko ang Sweetheart ko..!!”

0 comments:

Post a Comment

Surveys For Everyone